I just want to share my dream last night and it alarms my very hearth. Minsan, kahit malayo tayo sa ating mga mahal sa buhay, kailangan pinapansin pa rin natin sila. Let us show our gratitude even in small serious ways. This is my dream;
Isang gabi nang umuwi ako ng bahay, bigla na lang daw sinalubong ako ng bunso kong kapatid na lalake para manghiram ng USB flash connection for internet. Dahil sa sobrang pagod ko, nagalit agad ako sa kanya at naudlot ang ibabalita ko na natanggap na ko sa agency na inaapplyan ko patungo abroad. Narinig kaming dalawa ng Nanay at lumabas ng kwarto. Sa sobrang tindi ng sigawan naming magkapatid, hindi na nakatiis ang Nanay na sumabat sa usapan at lahat ng awat at patama nya ay ako naman ang kanyang kinagagalitan. Sa makatuwid kinampihan nya ang bunso kong kapatid.
Sobrang sama ng loob ko ng gabing yon, kayat minabuti kong lumabas na lang ng bahay at magdala na rin ng iilang damit dahil pinlano ko nang makitulog muna sa isang kaibigan. Hindi pa ko nakakalayo ng ilang blocks sa bahay namin, parang sinasadya ng tadhana na sya namang sinasalubong ako ng naturing kong kaibigan na sya kong pupuntahan ng gabing yaon. Nag-usap kami kung anong nangyari sa bahay at naikwento ko naman ng buong detalye. Habang naguusap kami, bigla naman syang nagyaya na magbasketball muna kami. Dahil maaga pa naman,
pumayag na din ako, gayun na din wala naman pasok sa trabaho kinabukasan.
Nakarating kami sa covered basketball court. Laking gulat ko na parang ang mga player ay pawang mga hoodlum. Napakalaki ng mga katawan at puro tatoo ang mga ito. Nagtataka rin ako sa sarili ko na bakit dalawa lang kami ng kaibigan kong pumunta doon sa basketball court at walang kasamang mga tropa. Nagsimula ang laro, pero sa unang laro, hindi muna ako kasali, yung kaibigan ko lang. Napaka-ingay, ang daming tao at ang lalakas ng sigawan.
Ti-noss ng referee ang bola, at sa unang agawan ng bola nagkagulo na agad, balyahan ang mga players, sapakan agad. Nagtutunugan ang kanilang mga kamao sa pagsuntok sa katawan ng isat-isa. Talsikan ang dugo sa court at umuulan ng mga bato. Takot na takot ako sa kaguluhang nagaganap, tiklop ang tuhod ko at nangangatog sa nerbyos. Maya-maya pa, nagulat na lang ako at may mga pulis na nagdatingan. Mas marami ang pulis kesa sa mga players sa basketball. Sa takot ko. tumakbo na din ako, napakahaba ng tinakbo ko hanggang sa umabot sa labasan na may napakalaking gate. Natatanaw ko na ang gate at nang umabot ako doon, bigla na lang may dumaklot sa braso ko sabay lagay ng posas sakin. Paglagay ng posas, biglang lumiwanag ang paligid. Nakakasilaw. Saka pa lamang lumantad sa akin na ang basketball na pinaglaruan namin ay compound pala ng mga bilanggo. Napapikit, napayukod at napaluha at wala nang nabanggit pa.
Kinaladkad ako hanggang umabot sa kulungan. Sabi ng pulis "Ayan mabubulok ka diyan ng isang lingo! kahit dayo ka lang,kasama ka pa rin sa rumble". Sa loob ng kulungan may mga bilanggo akong kasama. Nakakatakot ang itsura nila, mahahaba ang mga buhok at puro tatoo nga. Sinabi ko sa sarili ko na isang masamang panaginip lang 'to. Ngunit sinisigawan ako ng limang preso sa loob na "Hindi Pare! totoo ito! hindi ka nananaginip". Sinusubukan kong sampalin ang mukha ko para magising ngunit walang nangyayari. Parang totoo talaga, in High Definiton Film.
Sa mga oras na 'yon. Naglaho ang lahat ng pangarap ko. Tulala. Naisip ko na isang malaking abala ang bubunuin ko sa loob ng preso para sa isang linggo dahil nga aalis na ako patungong abroad at magrereflect sa record ko na nakulong ako. Sa isip ko, awang-awa ako sa Nanay ko. Hindi din nila alam kung nasaan ako sa loob ng isang linggo. Iyak ako ng iyak ng mga oras na yaon. Sobrang pagsisisi na sana nakinig na lang ako sa kanya.
Hindi pa natatapos ang lahat doon. Habang nagsisigawan ang limang preso sa akin na
parang mga demonyo, Lumangitngit ang pintuang bakal. Biglang may isang lalaking lumantad sa pintuan. Napakadilim, halos anino nya lang ang nakikita ko (Silhouette), Nagsalita ang lalaki sa aking panaginip habang lumiliwanag ang ilaw sa paligid. Iniabot n'ya sakin ang kanyang kanang kamay. Ang kaliwa naman nyang kamay ay iniaabot din na may hawak na USB flash. Sabay sabi nang, "Halika na Kuya, uuwi na tayo, hinihintay na tayo ni Nanay, Gumising ka na." Pagkarinig ko ng mga boses n'ya. Saka pa lang ako gumising sa aking pagkakatulog........................................... Sinundan pala ako ng bunso kong kapatid hanggang sa basketball court.
Morale of the Story: Minsan hindi natin napapansin na may mga malilit na bagay tayong ipinagdadamot sa iba ngunit wala tayong kamalay-malay na may nakalaan silang napakalaking bagay para sa atin.
Higit sa lahat, huwag madamot sa internet! Hahahahaha! Boink! *apir* =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment