Hulyo 28, 2008
May galos ang tuhod, Hawak lagi’y tungkod
Bali ang tagiliran, Telang puti aking nilagyan
Huminto ang pagkamalay, sa alikabok at kalawang
Tubig sa katawan, naubos, natuyuan
Buhay kong inalay, inagaw ng mga anay
Sakit at pighati, tiniis at sinanay
Kalbaryong kinagisnan, doo’y may naiwan
Naglulugong mga inakay,dugo , nilalaman
Kaya kong lumipad, saan man mapadpad
Pakpak ma’y walang tingkad, sa iniwan kong pugad
Bigkas kong himig, taglay ng aking bibig
Dala lagi sa puso, tunay at wagas na pag-ibig
Itinaya ko ang pesetas, bahala na ang bukas
Walang kamalay-malay, kung ano ang balangkas
Tanging dasal lamang, ang hawak hanggang wakas
Iisa lang ang armas, Diyos sa huli Sya’y bibigkas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment