Paalala: Ang mga lugar, bagay, tauhan at pangyayari ay walang kinalaman kanino man at pawang hindi sinasadya.
Tatlumpu't walong taong gulang na si Joe Salakot. Nag-iisip araw-araw upang makapag abroad. Sinwerte at nakarating ng ibang bansa. Namulat sa katotohanan kung ano sa kanya ang ibig sabihin ng OFW.
“Akala ko mayayaman ang mga OFW”, Ito ang notion pag nasa abroad ibig sabihin mayaman na. Hindi pala totoo. Yung regular na OFW, P20 toP30K kada buwan. Yung taga Middle East, US at Europe mas malaki ang sweldo, kaso mas malaki din ang ginagastos. Ang hirap pala dito, pero kailangan kayanin hanggat kaya. Ang sarap nga ng pagkain dito sa abroad, pero madalas, paksiw at adobo lang ang chibog para makaipon. Pag dating ng sahuran ang unang tinitingnan ang palitan ng piso sa dolyar. Magdadasal pa sana tumaas ang palitan. Kailangan magtiis para may ipon pag uwi sa Pinas lalo na at madaming susundo na mga kamag-anak galing probinsya pag lapag sa airport. Matindi pa naman ang tsismis sa Pinas, pag may pasalubong masaya sila, pag hindi naabutan, magtatampo at sisiraan ka. Tsk tsk tsk.
“Ang hirap talga magtrabaho sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy, makaka experience ka ng deskriminasyon at siguradong nagugulangan ka kahit ayaw mo. “Sige lang tiis lang, iiyak na lang, kawawa naman ang mga umaasa sa Pinas, besides wala
din naman aasahang magandang trabaho sa Pinas. Ang mahal pa ng bigas, gatas, sardinas
at upa sa apartment. Tiis-tiis lang kahit maraming gago sa trabaho, kahit panget ang working condition, kahit delikado, kahit mahirap. Pag-nakapagpadala na, OK na. tawag pa, “Hello! Kumusta na kayo diyan?”
Nakakaburyo, nakakalungkot, nakakapagod, nagkakasakit kaiisip sa Pinas. Kailangan din ng suporta, kundi man physically, emotionally or spiritually man lang sana.
“Hoy Pareng Caloy, ang tagal mo na pala dito, 5 years na? Grabe nakakalbo ka na.
Bakit ganun? Eh ang edad mo bente-nuebe lang? “Nagpunta ka na ba sa ospital kanina, Si Pareng Toti ayun may artery disease, pero gustong lumabas agad, para makapagtrabaho na. “Nabalitaan mo na rin ba ang nangyari sa pamilya ni Pareng Eman? “Ayun! Nag-addict ang anak, yung anak na babae naman nabuntis, at ito pa, Yung esmi nya sumama sa iba.! Naalala ko tuloy yun kantang sikat noon. “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE.”
“Pare uuwi na ko ha at maganda ang palabas sa TV. Pagdating sa bahay. “ Uy hanep! The Return of Superman, bidang bida talga, “Wala yan sa Pinas, merong Nora Aunor at Flor Contemplacion, bayani in a truest sense of the word. “Paano si Rizal at Bonifacio?” wala na rin atang sense, Mas matindi pa ang sinusuong na pagiging bayani ng OFW. Mas maraming giyerang pinagdadaanan, mas maraming bala at sibat ang tumatama sa katawan lalo na’t puro gago ang kasama sa trabaho.”
“Boring na ang Superman, Mailipat nga ng ibang channel, Wow balita! Ok to!” Anak ng teteng
puro politika!” “Ooops teka kailangan pala mahaba ang pasensya dito sa abroad, kesa sa mga kongresistang yan at mga senador na yan.” “Takot mawalan ng sweldo yang mga yan.” Hahahaha!
“Malas ng OFW, swerte ng pulitiko, hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interviewhin ng media (unless nakidnap) “madalas nasa sidelines lang ang OFW. “Ang swerte ng mga politiko, nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino, “hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis o napapagalitan ng amo o kumakain ng paksiw para makatipid o nakatira sa compound with conditions less than favorable o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. “Ang seswerte nila!”
“Yoko na nitong channel na to! Lipat nga natin sa action! Ayan, ‘Saving Private Ryan” sa HBO. “Ang galing ni Tom Hanks. Pero mas magaling ang OFW. Matatag, mas matatag pa sa sundalo”. “Mas matatag pa sa mga grupong alam nyo”. Mahusay sa reverse psychology, sa negotiation at counter attacks. “Kaso paano kung hindi tumagal ang OFW? Tatagal pa ba? Oo tatagal pa. Pag nagbago na ang Pinas”. “Eh kailan? May tsansa pa ba?”
“Uy teka! Alas tres na nang umaga. Kailangan ko na matulog”. ZZzzzzz.
Nanaginip si Joe Salakot. Napanaginipan nya ang kanyang pamilya. Kumakain sa isang
Hapag-kainan. Ang sarap ng ulam, bagoong, lechon, inihaw na isda at taba ng talangka. Sinusubuan pa nya ang bunsong anak habang ang mga biyanan naman ay nagbabasa ng
devidendazo sa karera. Si Yaya nakikipagtext sa syota nyang taga pier habang paulit ulit namang pinapanood ang pelikula ni Sharon at Robin. Pagtapos kumain, lumabas ng bahay, naririnig pa nya ang boses ni Arnold Clavio sa TV ng kapit-bahay, nagyosi sabay sigaw sa kapit-bahay “Pre! ayos ba tayo diyan?”. Iwas naman kaliwang banda na may kapitbahay na nagiinuman, Red Horse at Ginebra, ang pulutan naman ay kropek at isaw. Pag balik sa loob ng bahay, sa kusina naghuhugas ng pinagkainan si Misis at masarap pa rin pakinggan ang salitang “Mahal kita.” Sarap pa rin talaga mabuhay sa Pinas.
Alas syete ng umaga. Gumising, bumangon at nagdasal si Joe Salakot, napangiti. Papasok na naman sa kumpanya nyang gago. Kumuha ng barya para sa pamasahe na kasing halaga ng isang kilong asukal. Naglakad patungo sa bus stop habang nag dadalawang isip pa kung bibili ng bisekleta na gagamitin para sa araw-araw. Isa na lang ang nabigkas habang nagbabayad ng pamasahe sa bus. “Bayani ka OFW.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment